Paul Denver Sy

Friday, January 9, 2009

Talumpati: Pagmamahal ng Diyos

This is the Speech i presented in our Filipino to Miss Catherine Tuballa.
Special Thanks for Kuya Junrell A. Calunod for helping me with this. Thank You Kuya!


Talumpati: Pagmamahal ng Diyos
Paul Denver Sy, BS Computer Science III

Magandang umaga sa inyong lahat lalong-lalo na sa iyo, Gng. Catherine Tuballa. Ako po si Paul Denver Sy, 18 taong gulang, at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Computer Science. Ang aking talumpati ngayong umagang ito ay tungkol sa isang paksang hindi masyadong interesado at madalas, isinasantabi na lamang ng karamihan. Ang itatalumpati ko ay tungkol sa paksang “Ang Pagmamahal ng Diyos”.


Kadalasan, kapag ang mga paksang tumatalakay tungkol sa Diyos na ang pinag-uusapan, nagiging natural na reaksyon na lalong lalo na sa mga kabataang katulad natin ang pagiging hindi interesado sa usapin o di kaya’y pagkabagot sa paksang tatalakayin. Ang mga paksang ito ay hindi kasi nakakakuha ng atensyon kung ihahambing sa mga paksang tumatalakay sa pinakabagong computer games, pinaka-hit na makabagong kagamitan, pinag-uusapang teleserye, pinagkakaguluhang artista, at iba pa. Madalas, nagiging interesado tayo sa mga paksang ukol sa makamundong kaligayahan kaysa sa mga paksang espiritwal.


Ngayong umagang ito, hindi man nakakanakaw ng interes ang tunog ng pamagat ng aking talumpati, ngunit nawa’y pakinggan ninyo ang nilalaman nito upang maipaabot ko sa inyo kung ano nga ba ang pagmamahal ng Diyos. Malay natin, pagkatapos ng aking talumpati ay mapupukaw ang inyong interes na makialam at bigyan ng puwang ang mga usaping may kinalaman sa Diyos.


Sa inyong palagay, ano nga ba ang pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan? Alam mo ba kung paano ilalarawan ang pagmamahal ng Diyos? Maihahambing ba sa isang bagay ang uri ng pagmamahal meron ang Diyos para sa tao? Gaano kalaki? Gaano kalawak? Alam mo ba?


Walang salitang lubos na makakapaglarawan sa pagmamahal meron ang Diyos para sa atin. Ikaw. Ako. Tayo. Tayo ay narito dahil mahal tayo ng Diyos. Tayo ay narito dahil sa biyaya na bigay ng Diyos. Binibiyayaan tayo ng Diyos dahil tayo ay mahal niya.


Mula sa hiningang kauna-unahan nating pinakawalan kaninang umaga hanggang sa hiningang hinihugot natin ngayon, ang mga iyan ay biyaya ng Diyos. Mula sa agahan na kinain mo kanina hanggang sa susunod pa na pagkain na kakainin mo, ang mga iyan ay biyaya ng Diyos. Mula sa mga taong nagiging inspirasyon mo hanggang sa mga taong kakaibiganin mo pa, iyan ay biyaya ng Diyos. Madalas, hindi natin nabibigyan ng importansya ang mga biyayang ito. Ngunit, kung ating iisa-isahin, matutuklasan natin kung ano at gaano nga ba ang pagmamahal ng Diyos para sa atin.


Ayon sa bibliya, gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang pagmamahal ng Diyos ay nag-uumapaw, hindi nabibili, nangangalaga, at nanatili.


Labis tayong kinakandili at iniibig ng Diyos. Ayon pa nga sa Genesis 1:26-30, binigyan ng Diyos ang tao ng napakagandang simula. Datapwa, tinanggihan ng tao ang mga Kautusan ng Diyos dahil nagpasya itong gawin ang mga bagay sa kanyang sariling pamamaraan. Ito’y nagdala ng kapahamakan sa atin, ayon sa Roma 5:12.


Kung minsan, tinatanong natin kung mahal nga ba talaga ng Diyos ang tao. Dahil sa mga paghihirap at pagdurusa na dinaranas ng iba, minsan, tinatanong natin kung nasaan ang Diyos. Hindi natin alam na ang may pakana sa ating paghihirap at pagdurusa ay hindi ang Diyos kundi tayo-tayo ring mga tao. Karamihan sa problema ng tao ay dahilan ng hindi pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.


Kung ating susuriing mabuti, ang paghihirap at pagdurusa ay likha ng tao dahil sa pagsuway nito sa utos ng Diyos. Halimbawa, ang pagkain ng maruming pagkain ay nagdudulot ng sakit sa ating katawan. Maraming tao ang hindi sumusunod sa wastong gawi ng pangkalusugan at pag-iwas at kaya, ang mga impeksyon at sakit ay kumakalat mula sa isang tao at sa isa pa. Ang tao ay pahina ng pahina bilang isang uri ng nilalang dahil sa maraming henerasyong pagsuway sa mga Kautusan ng Diyos.


At hindi lamang iyan. Hindi natin pinangangalagaan ng wasto ang mundo gaya ng iniutos ng Diyos kaya nangyayari ang iba’t-ibang trahedya. Ang mga giyera naman ay gawa ng di pagkakaunawan ng mga tao. Inaabuso ng tao ang kapwa tao. Dinudungisan ng tao ang mundo kaya ang tao rin ang may pananagutan sa dinaranas na dusa at kahirapan.


Ngunit sa kabila ng lahat, mahal parin ng Diyos ang tao. Wika ko nga kanina, ang pagmamahal ng Diyos ay nag-uumapaw, hindi nabibili, nangangalaga, at nanatili. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa kapag ang mga bagay ay umaayon sa di natin gusto. Huwag nating itanong “Nasaan ang Diyos? Bakit nangyari sa akin ang bagay na ito?”


Ayon sa Deuteronomy 4:35, gusto ng Diyos na malaman natin at maunawaan na walang sinuman ang papantay sa Kanya sa lakas at kapangyarihan. Alam Niya ang lahat ng nangyayari sa buhay natin. Tandaan, si Jesus ay naging ganap sa pamamagitan ng pagpapakasakit. Tayo rin naman ay dapat matuto mula sa ating mga pagsubok at pagpapakasakit. Ngunit, ang Diyos ay di-kailanman nalalayo sa atin. Ayon sa Awit 33:20-21. hindi kailanman Niya tayo pababayaang tiisin ang anumang higit sa ating makakaya.


Ganyan ang pag-ibig ng Diyos - sa kabila ng lahat, ito’y nag-uumapaw, nangangalaga, at nanatili. Ganyan ang kanyang pag-ibig – hindi mailalarawan at hindi masusukat. Sa kabila ng ating pagbabaliwala, ang kanyang pag-ibig ay patuloy na aapaw, aalaga at mananatili.


Ganyan ang pag-ibig ng Diyos. Ikaw, anong pag-ibig ang meron ka para sa Kanya?

29 comments:

Anonymous said...

Kuya ...I am Hanna Grace taking up BS IT ..from malayan colleges Laguna.yung talumpati mo po ay sobrang nkakapukaw ng loob lalo na sa mga taong my pagmamahal sa Diyos.slmat po dhil nkatulong to sa asiment q sa filipino :)Godspeed.

Paul Denver Sy said...

heheh.e. salamat sa iyo.. heheh... actually, nagpatulong ako dito dahil hindi rin ako marunong ng tagalog.. kunti lang.. heheh.e.. salamat anyways!....God Bless You!...

Anonymous said...

salamat poh sa inyo, dahil maraming taong natulungan nyo at ako na ang isa dyan. ako po c adrian, isang anak ng Diyos. Ang hinahangAD sa sarili ay magawa ang gusto nang Diyos sa akin at sa mundo. God bless you! may God bless you abundantly and mightyly.

Anonymous said...

uh, Kuya thanks! :D nkakuha ako ng idea, uh, mataas naman ba nakuha mo dto sa talumpati na to?

Anonymous said...

hi im SHANNA taking bspt i like ur talumpati heheh... ang saya naman no ang daming christians nakakablessed..keep it up thamk you so much sa talumpati hehehe yan ang gagamitin ko bukas i hope mamemorise ko ang haba hahah anyway thank you po ulit.. GOD BLESS..


hirs my facebook account:than2x_007@yahoo.com

:)

Anonymous said...

Hi Denver, nice "talumpati"... I like it..
May talumpati ka ba tungkol sa Pagmamahal at Paglilingkod sa Diyos, sa Bayan at sa kapwa..? Need ko kasi eh. Baka meron ka.. hehe

Anonymous said...

HI..MAGANDANG TALUMPATI PO 'TO..HEHEH MAMAYA GAGAMITIN KO PO ITO PARA SA PARTISIPASYON NAMIN NA TALUMPATI..NAKAKAPUKAW PO TALAGA NG DAMDAMIN..

Anonymous said...

HALO KUYA..I'M gLAdys ..GRABEH..kung alam lang sana ng iba ang pagtitiis ng diyos para lang sa ati.,pero ganun pa man, minahal pa rin tayo Niya at ginabayan sa araw-araw..napakaswerte nga natin!!!^_^LADYLOVE!!!

Anonymous said...

wow.... nice2x daw gamiyon ku man eh.. galing daw indi ko ma memorize sa isa ka week.... heheheheheh... good job paul... continue it. blessed day.... 'VJB'

Anonymous said...

Yahoo....magaling ka talaga kuya totoong totoo yan....may God shower you with a lot of blessing

Anonymous said...

SALAMAT!!!!

BS IT 1106 from batangas state university!

Anonymous said...

Hi kua.. :)
Isa akong Cordian.
Cordian ang tawag saming mga nagaaral sa Sacred Heart College.. alam kong may dahilan kung bakit ko nabasa ang talumpati mo.. at naniniwala ako dun.. naisip kong subukan itong bigkasin sa harap ng aking mga kaklase.. :D

maraming salamat po.. :))

Comsci. din po ako.. first year!..
thank you po.. dito.. :D

GodBLess..

Anonymous said...

hello kuya,this is Pinky pla. Totoo tlaga ang mga snbi m s iyong talumpati..Ang pag-ibig tlga ng Panginoon ay hndi kmkupas.

God Bless Always!!!

Anonymous said...

hello kuya. aq si mary, educ nman knukuha qong kurso... mganda an npili mong mging topic sa iyong talumpati.. napukaw at nkapulot aqo ng aral.. salamat kuya..
godbless! ;)

Anonymous said...

kuya, ang ganda nang iyong talumpati.. pwede bang gumawa ka nang isang talumpati tungkol sa bawat tagumpay nang mga kalalakihan, nasa likod ang mga babae?
hihintayin ko yan ha?

Anonymous said...

How great ur talumpati
ang saya basahin
may ass. narin ako sa Fil.

Anonymous said...

Nuks Kakilig talaga pag si Lord
ang umibig hehehe
rusty po ng bestlink
may ass. narin ako sa fil. ko hahaha
thank po

Anonymous said...

mahusay!may sustansya ang nilalaman.keep on writing!GOD BLESS U... :-)

Anonymous said...

Thanks kuya, dahil dito nainspire akong gumawa nang sarili kong talumpati tungkol ki God. Thank you and God bless!

Anonymous said...

wow..slamat po,, dahil ginawanyo ito,,sibrang nakaktulong ito sa napakaraming tao,, keep it up,,GOD BLESS YOU,,

Anonymous said...

ito po ay si emmalor jean :) napaka ganda ng inyong talumpati. maraming tao ang mamumulat kapag ito lamang ay kanilang pakikingan at uunawain.

Anonymous said...

VERY WELL SAID AND VERY MUCH WORD. It's really Educational,Informative at kapupulutan ng maraming aral.Sana ang Pag-ibig ng Diyos ay sumaiyo lagi at magpakailanman.May the GOD bless You! More Power! I salute you at Maraming Salamat.....

Anonymous said...

hi...kuya salamat po sa ginawa nyung ito...talagang nakakatouch ng feeling lalo na sa akin na nakakarelate..i hope na sana marami pang magbabasa dito..GOB BLESS YOU...

vicente adriatico said...

humihingi po ako ng pahintulot sa gumawa ng talumpating ito na kung akoy inyong papayagang gamitin ito at syang itatanghal ko bilang aming proyekto.salamat po.

maari nyo po akong kontakin sa vicentethrfourth@gmail.com
inaasahan ang iyong malugod na pagtanggap.

Anonymous said...

thanks sa talumpati mo....
im so Bless talaga....
Hope sana na marami pang makabasa nito....
God Bless.....

from:ivy

Anonymous said...

Hello po.Thanks sa talumpati mo at naintindihan ko yung pano talaga ang isang talumpati atsaka yung mismong pinapahatid mo. Makakatulong rin to ng husto sa pinapagawa samin sa filipino. Humihingi po ako ng pahintulot na gamitin to at iprresent for my project in filipino, Hindi ko po aangkinin, igigive credits ko naman po :)
pwede niyo po akong replyan sa iceprincebreaker@gmail.com maraming salamat po.

Post a Comment

Thank You for your comment....